Pagpupugay

Hindi umabot sa Cum Laude yung GWA ko; pero sa puntong ito, daig ko pa ang nanalo sa sweepstakes, o yung naka-uno sa pamatay na class ni Ma’am Ramas, o yung nakamayan ni Lady Gaga. Pakiramdam ko daig ko pa yung tatanggap ng parangal bilang Summa Cum Laude. Habang tinititigan ko nun yung grade ko sa thesis, iniisip ko kung paanong kinaya ko lahat ng hirap, pagod, pressure, kagipitan, arte, puyat, gutom, hiya, lungkot, at takot na kinaharap ko sa buhay kolehiyo ko.

Anim na taon.

Oo, first year ako nung nag-air yung Gulong ng Palad starring Kristine Hermosa tsaka nung unang nag re-match sila Manny Pacquiao at Erick Morales sa boksing para sa Super Featherweight title. Oo, pumasok ako sa UP nang disisais anyos ako. Lalabas ako nang bente dos. Anim na taon, pero parang ngayong ilang oras na lang ang hinihintay ko bago umakyat sa entablado, parang napakabilis lang.

Anim na taon. Limang uri ng part-time jobs. Apat na sinalihang rally. Tatlong colleges. Dalawang dorms. Isang State U. Sabi nga ng tatay ko, parang enjoy na enjoy daw ako sa UP at ayaw ko na daw iwan. Di ko lang masabi, “Mahirap naman po talaga.” Paano nga naman akong paniniwalaan kung tuwing umuuwi ako ng probinsya, excited akong magkwento ng mga bagay tungkol sa akin at sa mga natututunan ko sa eskwelahan? Paano ko sasabihing mahirap eh kupas na yung UP shirts ko pero paborito ko pa rin silang sinusuot? Paano ko sila paniniwalain, kung pangarap ko rin sa mga kapatid ko na maranasan din yung mga nararanasan ko? Mahirap, pero enjoy na enjoy naman ako. Sa puntong ito, tingin ko may isang iskong nagbabasa, at naiintindihan yung nais kong sabihin. Mahirap, ngunit masaya. Masaya nga namang matuto ng mga bagay na hindi ko sukat akalain na matututunan ko.

Hindi naman talaga namin issue sa UP kung ilang taon ang abutin ng isang mag-aaral, dahil mas mahalaga kung may natutunan nga ba o wala ang isang mag-aaral.

Kaya bago ko man lang tanggapin ang pseudo-diploma ko bukas, hayaan ninyo akong magpasalamat sa lahat ng tao na naging bahagi ng anim na taong ginugol ko sa kolehiyo. Sa lahat ng tao na tinuruan akong matuto. Ayoko sanang magdrama, pero kailangan para naman makatulog ako nang mahimbing ngayong gabi.

Sa lahat ng professors ko na hinding hindi ko makalilimutan–palagi kong panghahawakan lahat ng turo ninyo: Professors Emil Flores, Paolo Manalo, Nonilon Queano, J. Neil Garcia, Priscellina Legasto, Wilhelmina Ramas, Ruth Pison, Anna Sanchez, Conchitina Cruz, Butch Guerrero, Isabelita Reyes, Carlos Aureus, Cel Flores, Marby Villaceran, Rhodora Ancheta, Jessel Duque, Anna Melinda de Ocampo, Mike Falgui, U Eliserio, Schedar Jocson, Carlo de Pano, Chito Avecilla, Jose Magpantay, Elena Pernia, Dazzie Zapata, Cecilia Caniza, at marami pang iba.

Sa lahat ng mga kaibigan ko simula nung ako’y walong taong gulang pa lamang hanggang ngayon–Rhea, Jeff, Cheilo, Con, Mary Jeane, Mark, Harold, Grace, Nitu, Marvin, Janine, at sa lahat ng naniwala.

Sa mga naging kaibigan at kapatid ko sa dorm–Cha, Keith, Brenda, Glice, Dexter, Jane, Andee, Rommel, Rose, Ace, Bong, Mikee, Benex, Preciosa, Diwa, Paolo, Boris, Daryll, Pogi, Ton, Gerald, Juan, Jebs, Martin, Thor, Gibson.

Sa lahat ng mga orgmates ko sa UP Kalipunan ng mga Anak ng Isabela–Fred, Ren, Rhine, Lai, Kath, Eds, Glecie, Dette, Donna, Javie, Du, MM, Jen, Jov, Niko, Marc, Ken, Kevin, Joey, Jika, Krizelle, Karen, Mik, Jov, Joanne, Ruby, Maiki, Vince, Joyce, Mariel, Nicole, Ton, Cham, Ate Zet, Ate Yani, Ate Pam.

Sa lahat ng mga kaibigan ko sa KAL–Karla, Cristel, Mina, Zion, Andee, Rio, Vyxz, Riley, Jairia, Corina, Trisha, Ysabel, AJ, Cy, Hannah, Ivy, Sarah, Joy V., Dana, Shan, Don, Bop, Ram.

Sa mga tunay na kaibigan sa Baguio–Kuya Ardee, Ate Rica, Twinkle, Sushi, Andrei, Bryan, Jerome, Lloyd, Jose, Kerr, Kuya Zig.

Sa nanay at sa tatay ko, at sa lahat ng bahagi ng pamilya na mayroon ako.

At siyempre kay Lord.

Maraming maraming salamat. Taas-kamaong pagpupugay. Hindi sapat ang note na ito para isa-isahin yung mga nagawa ninyo para sa akin. Mahirap alalalahanin lahat ng bagay at lahat ng tao lalo na sa panahong tulad ngayon na halo-halong pakiramdam lahat ang meron ako. Ang arte ko talaga.

Andami kong gustong sabihin, andami kong gustong ibahagi. Pero siguro, ito muna. Aabangan ko na lang na sana, sakaling makita ko ulit kayo sa UP o sa labas nito, kakawayan nyo ako. Malayong-malayo pa ako dun sa pinangarap ko sa buhay, pero siguro talagang proud lang akong malaman ng iba na hindi na ako kinakabahan ngayon tulad ng dati. Sanay na sa puyat, receptive na sa kritisismo, manhid na sa mura, dedma na sa gutom.

Hindi umabot sa Cum Laude yung GWA ko, pero masaya akong aakyat bukas sa entablado dahil sa wakas–sa pinakaunang pagkakataon–makakamtan ko din ang pinakahihintay na ‘sablay’ ng buhay ko. Padayon, UP.

 

(Hours before I graduated, I made this note on Facebook. It’s just one of the moments when I had to give gratitude to the people around me for the littlest of things we shared. So there, and you may refer to the previous photo to confirm, I am an official graduate of UP Diliman. Happiness!) 

4 thoughts on “Pagpupugay

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s